Ang Pasuguan ng Pilipinas ay muling nagpapaalala sa lahat ng mga Filipino sa Thailand na maging maingat at sumunod sa mga alituntuning pangkalusugan ng pamahalaan ng Thailand.
Hinihikayat ang lahat na palaging subaybayan ang mga impormasyon at mga payo na ipinapaskil sa mga sumusunod na mga online channels ng Thai Public Relations Department:
https://twitter.com/prdthailand?lang=en
https://www.facebook.com/thailandprd
Sa gitna ng hinaharap nating pagsubok dulot ng pandemyang COVID-19, nais naming batiin kayo ng isang Masaganang Bagong Taon! Nawa'y maging ligtas tayong lahat at mabilis na makabalik sa ating nakasanayang pamumuhay.
END
thailand.prd.go.th
Ref. Advisory-BKKPE-15-2020