Ref. No.: Advisory-BKPE-47-2024
Inaanyayahan po namin ang ating mga Kababayan sa Thailand na lumahok sa "Agribusiness Investment Seminar for Overseas Filipinos in Thailand."
Ito po ay gaganapin sa:
Grande Centrepoint Terminal 21
(https://grandecentrepointterminal21.com/map-and-direction/)
October 29, 2024 (Martes) | 9:00AM - 5:00PM
Ang seminar na ito ay naglalayon na ipakita ang mga oportunidad sa agrikultura na pwedeng pagkakitaan sa Pilipinas tulad ng pag-aalaga ng manok at pato, pagtatanim ng gulay, at paggawa ng mga produkto mula sa mga ito.
Para sa mga nais na lumahok, magpalista lamang po gamit ang QR Code o kaya sa link na ito: https://tinyurl.com/mvetvwnj
Ang pagpapalista at paglahok sa seminar ay LIBRE. Limitado lamang po ang bilang ng mga maaaring matanggap; kung kaya’t hinihikayat po namin kayo na agarang magpalista.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan po sa amin sa: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. / This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..