Ref. No.: Advisory-BKPE-1-2023
Nais pong ipaalam sa publiko ng Pasuguan ng Pilipinas sa Thailand ang patuloy na pagtanggap nito ng mga ulat mula sa mga Pilipino, na sila ay biktima ng human trafficking sa mga bansa sa Mekong Region, kabilang na ang Laos at Myanmar.
Bunsod nito, binabalaan ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa mga advertisements at posts ukol sa mga trabaho sa Thailand, lalong-lalo na sa Facebook at ibang social media pages, sapagkat ito ang malimit na paraan ng mga kahina-hinalang job recruiter o employer, kabilang na ang mga transnational organized crime syndicates. Ang mga job vacancies ay kadalasang nauukol sa pangangailangan ng “customer service representatives” sa Thailand, ngunit ang katototohanan ay mga patibong ito upang gumawa ng mga illegal at criminal activities ang mga aplikante.
Dumadami ang kaso ng mga Pilipinong pinangakuan ng trabaho sa Thailand, ngunit kalaunan ay itinatawid sa mga karatig bansa tulad ng Laos at Myanmar, upang magtrabaho para sa mga kumpanyang gumagawa ng krimen, kahit labag ito sa kanilang mga kalooban.
Para sa kanilang proteksyon, pinaaalalahanan ng Pasuguan ng Pilipinas ang lahat ng nais maging Overseas Filipino Worker na dumaan sa tamang proseso ng recruitment, alinsunod sa patakaran ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Hinihikayat ang publiko na agad ipagbigay alam sa Pasuguan at sa awtoridad ang mga kahina-hinalang gawain o impormasyon ukol sa mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment. Ito ay maaaring iulat sa mga sumusunod na ahensya ng pamahalaang Pilipinas:
- Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Actionline: 1343
- POEA Anti-Illegal Recruitment
- Website: https://www.facebook.com/airbranch/
- Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
- Telephone No.: +63 287210619
- Embassy of the Philippines in Bangkok
- Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
- Telephone No.: (+66) 8198-97116
- Mobile No. (+66) 8992-65954